Experience in Banggood

by | Apr 27, 2021

Alam na alam na natin yung LAZADA. Kabisado narin natin ang SHOPPEE. Pero recently, I discovered this marketplace na maganda rin ang offerings pagdating sa mga electronic gadgets!

Mostly ng items nito shipped from China. Dahil upon further research, sa China rin pala ang main office nila. Syempre dahil hindi ko naman kilala yung Banggood, may kaba effect rin ito na naku baka maiscam ako dito. However, for us na hindi nakakakilala kay Bangood, Banggood started way back 2006, founded by Aaron Chen samantalang ang Lazada ay naitatag nung 2012 founded by Maximillian Bittner, at Shoppee naman 2015 founded by Forrest Xiaodong Li.

So syempre gusto ko rin malaman gaano katagal o kabilis ba ang shipping nila. After browsing yung mga available items sa Banggood, I ordered it through Banggood App. Like any online marketplace, choose, click, billing, once approved yung mode of delivery, shipping na.

So after 7 days of waiting, dumating na yung inorder ko. During that time, nasa GCQ na ata ang Pilipinas. The package arrived in plastic packaging, pero may bubble wrap sa loob.

banggood package
(yung maliit na plastic naman ay kung saan nakalagay yung Xiaomi na Wireless Mouse)

I ordered 13 inches na Xiaomi Mijia Writing Tablet na napakagaan akala mo nung dumating yung package walang laman e. However, talagang ultra light weight lang ang drawing/writing tablet na ito. Maganda yung pen na included nito kasi may magnet sya sa gilid so very convenient pag gusto mo na itabi, ilalagay mo lang yung pen sa gilid at magstick na sya dun.

At initial glance mukha syang ipad na malaki. Napakaganda rin ng design dahil white and slick ang shape nito. Ito ay battery cell operated, na siguro hindi mo na kakailanganin palitan ever. 

Though wala syang save feature, syempre pwedeng pwede mo naman picture-an yung mga nagawa mo kagaya nito.

writing tablet
Birthday ng 4 year old niece ko nung binuksan ko ito. She’s crazy about it!
writing tablet
For scaling purposes, ganyan sya kalaki pag hawak ng 4 year old.
writing tablet
O eto ang “artwork ko” and she loved it!
party
And since she loved the tablet so much, I decided to give it to her for her 4th birthday! (Look at that grin!)
Itong Xiaomi Mijia Writing Tablet ay perfect for toddlers. So if ever you have played with a magnetic board? Parang ito yung modern version nun!
magnetic board

However, pwedeng pwede parin naman ito para sa mga adults. If you are looking for a physical gadget to scribble and let out your creative juice, pwedeng pwede rin naman sayo ito!

Ang isa pa na binili ko sa ay Xiaomi Portable Streamlined Shape Mouse.

Ultra lightweight din ito at maganda ang design, mukang elegant dahil sa color nya na black. At the same time, yung feels nya ay perfect naman sa kamay ko, comfortable ako na gamitin sya. Meron syang receiver na pwede mong itago ng mouse. At isa sa nagustuhan ko rin dito ay yung magnetic feature nya, na itatapat mo lang, lock and ready for use na!

wireless mouse
wireless mouse
For scaling purposes
wireless mouse

Kita mo dito yung pocket ng receiver nya, perfect travel mouse ito, legit!

xiaomi mouse

Dito naman pinakita ko yung magnet nya, very simple design pero pag pinagsama, ang ganda!

xiaomi mouse

Simple yet elegant. Perfect Travel Mouse ito para sa mga taong always on the go!

Extra TIP: Kung ichecheck nyo kay Shoppee at Lazada, may ibang items sila na mas mura, at meron ding mas mahal. Kaya ikaw na ang dumiskarte doon, pero price can vary even up to 200-1000+ difference. Legit! Kaya kung naghahanap ka ng murang source ng gadget, pwede ka rin mag browse dito sa Banggood!

So far, kahit napamahal ako ng konti sa purchase ko with these items, I am very happy. Kasi ang goal ko lang naman ay malaman kung gaano kabilis, o legit ba talaga si Banggood. Guys, you heard it here, legit si Banggood!

Other products you might interested